Write to Remember, Express and Make A Stand

Wednesday, June 06, 2018 2 Comments A+ a-


Sa Hulyo, pitong taon na ang blog na ito. Nasanay tayong may pa-party kapag 7th birthday ng mga bata sa ating pamilya. Parang anak ko na rin ang blog na ito kaya napapag-isip din naman akong  paghandaang maging memorable ang ika-7 taon ng ating online tambayan. Pero bago ang celebration, may isang bagay muna akong dapat gawin. 



MAGSULAT. MAGSULAT. MAGSULAT. 

Ayan, paulit-ulit na ang paalalang regular na magsulat. May nabasa kasi akong FB status ng isang Pilipinong manunulat kahapon na nagpaisip at nagkumbinsi sa aking maglaan ng oras para isulat ang mahahalagang pangyayari sa buhay natin. Ang gets ko sa sinabi niya, huwag umasa nang buo sa memorya. Pupurol at papalya ito sa paglipas ng panahon. Isulat mo ang mga naisip, naranasan at nagawa para hindi mo ito malimutan. Tama naman mga momshies, di ba? Hindi lagi't laging matalas ang memorya natin. Hello? Dami ko na kayang momnesia moments

Bukod din sa pag-preserve ng mga memories, may isa pang nagtutulak sa aking magsulat nang magsulat. Maraming kinakaharap na isyu at problema ang bansa natin ngayon na kinakailangan tayong magpahayag, magsalita at manindigan. Siyempre, ang ultimate na ambag natin ay kumilos at makisangkot. Pero, saan ba nagsisimula ang lahat? Di ba sa pag-aaral, pagsusuri sa kalagayan/isyu at pagpapahayag ng mga pagtingin at paninindigan?  Sana makalahok tayo, bilang mga momshies, at marinig ang ating mga boses sa mga hot issues na pinag-uusapan ngayon. 

Tiyak na matutuloy ang 7th year celebration ng Nanay's Trip sa Hulyo kapag natupad ko ang goal na magsulat nang magsulat. 

Speaking of hot issues mga momshies, ang daming ganap di ba? Mula sa "maniackiss" episode ni Pangulong Duterte sa South Korea, marahas na pagpatay sa isang limang buwang buntis na special assistant prosecutor ng Office of the Ombudsman hanggang sa nakakalokang hypothetical P10,000 monthly budget na inilabas ng National Economic and Development Authority (NEDA) para sa pamilyang may limang miyembro. Manhid na lang ang hindi magsalita sa mga ganap na ito. 

Madalas naipopost ko na ang mga reaksyon ko sa mga isyu sa Nanay's Trip FB page o kaya sa aking personal na FB account. Tulad na lang ng sobrang lungkot at galit na nararamdaman ko sa pagpatay sa limang buwang buntis na si Atty. Donna Ednaco-Tanyag. 


Halos isang araw pa lang ang nakalipas nang mangyari ang trahedya, may inilitaw na agad ang mga pulis na suspek sa pagpatay kay Atty. Donna. Parang ang sarap maging direktor at sumigaw ng "Cut! Good take! Pack-up!" pagkatapos ng press conference ng PNP. Uy, magpalalim naman kayo ng imbestigasyon. Nakaturo na lang kayo lagi sa drugs at robbery e. Tapos biglang malalaman ng publikong mga high profile graft cases ang hinahawakan ni Atty.Donna. Napakamura ng buhay sa panahon ngayon. Ang mas nakagagalit ay mga tagapagtanggol pa ng mamamayan ang pinapaslang. 

photo credit : UP Manila Political Science Program FB page

Kung nais ninyong makilala si Atty. Donna, narito ang ilang mga pahayag mula sa kanyang mga kaibigan. 


Basahin ang parangal at pag-alaala ng kanyang mga sis mula sa Sigma Delta Pi Sorority - UP Manila. 

Hayskul pa lang si Atty. Donna, aktibista na at aktibong kalahok sa mga pagkilos sa loob at labas ng paaralan. Basahin ang parangal ng kanyang mga ka-batch mula sa UP Integrated School at mga kasama sa Anakbayan

Sa mga kapwa momshies, inspirasyon si Donna para sa ating lahat. Sa gitna ng mga hamon ng pagbubuo ng pamilya sa panahon ngayon, buong tatag pa ring nakisangkot at nag-ambag sa paghawan ng magandang kinabukasan para sa ating mga anak. Maraming salamat sa inspirasyon, Donna!





2 comments

Write comments
momi berlin
AUTHOR
June 6, 2018 at 6:43 AM delete

Sadyang nakakalungkot ang nangyayari sa paligid. Hindi nga natin maiwasang hindi makilahok sa mga balitaktakan. Sana sa mga darating na araw, magagandang balita naman ang bumungad sa atin. Oo nga pala, aabangan namin ang isa 7 taon ng online tambayan na ito.

Reply
avatar
June 6, 2018 at 8:19 AM delete

Nakakalungkot ang nangyari kay Atty. Donna. Hindi ko maisip kung paano nagawan ng krimen ang isang babaeng buntis. :(
Nawa'y sa mga susunod na araw eh magandang balita naman ang bumungad sa atin. Happy blogiversary!

Reply
avatar