What type of planner are you? Happy 2018!

Wednesday, January 03, 2018 3 Comments A+ a-




Sa taun-taon kong paggamit (at hindi rin paggamit!) ng planner may mga naipon na rin akong mga karanasang baka pamilyar din sa inyo mga momshies. Subukan natin kung alin sa mga ito ang makakarelate kayo. Game!

1st Quarter planner ONLY

Walang mintis ang entry sa January. May ilang blangkong dates sa February. Every week na lang magsulat pagdating ng March. Hanggang inalikabok na ang planner sa mesa dahil hindi na ito nabubuksan.

Yes, mga momshies! Guilty ako dito. May isang taon nga bumili pa ako ng pangmalakasang planner pero ganyang-ganyan ang nangyari. May palettering-lettering pa sa unang mga pages tapos wala na. Nawala ang spark! In short, tinamad. Balik na sa paglilista ng mga Things to Do sa post-it o kaya sa mga scratch papers na nakasingit sa blangkong planner.

Wish ko huwag sapitin ng first CBTL Planner ko ang 1st quarter planner syndrome!  
     
My first CBTL Planner.
Salamat sa ate kong nagbakasyon sa Pilipinas na nanlibre at lumaklak ng sangkatutak na kape. 


The more planner, the merrier

Ganito ang peg ko ngayon. One planner each para sa mga pinaggagawa ko sa buhay. 
Isa para sa trabaho,  homeschooling schedule and activities, blogging at pamilya.  
Tatlong planners ang balak kong gamitin this year. Bakit?

·     Madaldal ako magsulat.  Hindi ako kuntento na “meeting” lang ang isusulat. Dapat meeting re: January activities, time at venue, anong dapat dalhin at ihanda. Ayun, ubos na ang space.
·   Lituhin at makakalimutin na ako.  Nakakatulong sa akin na nasa isang notebook o planner ang mga dapat kong  gawin sa isang particular na proyekto o trabaho. Bawas sa confusion. 

Babala : Laging mabigat ang dala kong bag! Madalas kasi dala ko ang mga planners para hindi ako magsisi na iniwan ko tapos may gusto pala akong alalahanin o isulat dito.


IBON Planner 2018. Ito ang paborito ko sa tatlong planners na gagamitin ngayong taon. T'yak ding gamit na gamit ko ito. Dito kasi nakalista kailan ang meetings, mobilizations at deadlines! 
Mabibili ito sa piling branches ng National Bookstore at Powerbooks. Basahin n'yo rin kung bakit kinakailangang suportahan ang mga community-established schools tulad ng mga nakatayo sa Mindanao. 
Society is their book; and the people, their teachers. 



Desk planner, for the win! 

    Hindi ito nawawala sa aking must-haves.  Dito ko sinusulat ang mahahalagang schedules      at dito ko rin nilalagyan ng check o ekis araw-araw ang mga nagawa at hindi ko nagawang      mga tasks.

   At the end of the month, kakaibang feeling kapag nakita kong sangkatutak na pink checks     ang nasa desk calendar ko. 

Every year Sterling Desk Calendar ang choice ko. P129.75 lang sa National Bookstore.
Kung naging Little Twin Stars lang ang design nito, ito na lang ang planner ko! (Joke!)


Small is beautiful.

May isang panahon sa buhay ko na maliit na planner ang trip kong gamitin. Gusto ko yung nasusuksok ko sa likod na bulsa ng pantalon. Para kaya kong bunutin at buksan sa gitna ng mga larga ko sa isang araw. Hindi ko naman masasabing konti lang ang schedules o tasks ko nang mga panahong maliit na planner ang gamit ko. Siguro, mas matalas pa ang memorya ko noon at hindi pa masyadong kumplikado ang buhay.

Mga momshies, sino ang gumamit o gumagamit pa rin ng small/thin planners ngayon?


Akala mo lang notebook, pero planner!planner!



Ito na ang kinatatakutan kong mangyari. Goodbye planners at hello notebooks! Yes, mahilig akong bumili ng mga notebook. Hoarder ako  mula sa composition notebooks (Merit, Sterling, Blue Feather, Green Apple, atbp) hanggang sa mga cute na notebooks na mabibili na ngayon kahit sa mga department stores (SM at Landmark).  

Tingin ko kasi kailangan maganda ang notebooks at ballpen na ginagamit mo para ganahan kang tapusin ang isang trabaho. Kapag notebook mode na ako, nababalewala ko na ang planner ko. Notebook pa rin kasi ang gamit ko para sa notes, blog draft posts o outlines at marami pang iba.  Madalas, sa notebook ko na rin naisusulat ang schedules at things to do ko for the week kaya katamad nang ilipat sa planner.


Ang ganda ng Mercury Drug planner di ba?
Malamang mas notebook ang silbi nito sa akin kaysa planner. :) 

Anong type of planner ka? Share mo naman ang mga planner stories mo. Heto ang ilang links ng mga best planners  at tips para sa inyong  2018 goal setting.

Before the year ends, nagkalat ang mga listahan ng mga mabibiling planners. Check out these lists from Fully Booked, Pssst.ph at Spot.ph. Ayan, dali, pili na! 



Happy 2018 mga momshies! 

3 comments

Write comments
January 4, 2018 at 11:53 PM delete

Nice one, Alemars! Relate ako dito! Akin na lang ang isang planner mo, please? Hahaha! :)

Reply
avatar
Nanays Trip
AUTHOR
January 5, 2018 at 4:27 PM delete

Hi Alemars! Anong planner story ka naka-relate? Sa 2019, planner regalo ko sa'yo. This year, hanap kita ng cute notebook! :-) Miss you!

Reply
avatar
January 10, 2018 at 2:48 AM delete

Hay hindi pa rin ako nakakahanap ng tamang planner para sa kin. Minsan maganda lang, pero hindi ko naman mautilize dahil di akma sa personality ko at lifestyle.

Reply
avatar