What are your New Year's Eve Family Traditions? Happy 2018!

Saturday, December 30, 2017 0 Comments A+ a-




Are your kids excited to welcome the new year?  Our dearest Rio is ready to stay up until 12:00 midnight and say hello to 2018.  Just yesterday he reminded me to bring out his torotot ( New Year horn ) and told me he wanted to make the loudest noise on New Year’s eve.  Bongga ka anak! Welcome the new year with a bang ang moda mo!

How do you celebrate New Year’s Eve? Flashback muna tayo at balikan kung ano ang mga New Year’s eve celebration ng aming pamilya. Pagpasensyahan na ang #TitaFeels at #Batang80s mode ng flashback na ito.

1.     Bili na kayo ng tasty!

Buong maghapon kaming nagtitinda ng Insular Bakery’s Pullman Loaf o tasty bread tuwing December 31. Sa loob ng mahigit isang dekada, ganito na ang itsura ng huling araw ng taon namin. Mula alas-4 ng madaling araw hanggang kaya pang magtinda at hindi pa talamak ang paputok, nasa kalye kami kapiling ang malambot at malasang tasty ng bayan!

Hindi ko malilimutan ang mga Pullman days namin bilang isang pamilya. Natuto kaming kumayod at magtrabaho bilang isang pamilya. Ito yung New Year’s Eve family tradition na nakakapagod pero masaya. Sa pag-deliver kasi namin ng mga tinapay sa bawat pamilya sa kahabaan ng Tramo, nababati na rin namin ang mga kamag-anak, kaibigan at kapitbahay ng maligayang bagong taon.

Mula sa Facebook post ni Dianne Santelices. 
Buhay na buhay pa ang Insular Bakery! Matatagpuan ito sa 5051 P. Burgos, Makati City. 
Tuwing December 24 at 31, ipinagpatuloy ng pinsan ko ang Pullman Bread tradition sa aming kalye! 


2.     Pangmalakasang almusal ang Media Noche!

Hindi ko alam kung bakit pangmalakasang almusal ang handa namin sa pagsalubong sa bagong taon. Kapag sinabing pangmalakasan sa aming mga taga-komunidad, ganito ang itsura ng hapag kainan. May hotdog (cocktail dapat para maraming tingnan), hamon (madalas giveaway ng kumpanya), pritong itlog (malasado ang lagi naming request), mantikilya ( kapag may pera, Blue Bonnet ang nakahain) at siyempre ang walang kasing sarap na Pullman Loaf. Madalas nagluluto rin ng sopas para may mainit na sabaw na hihigupin ang mga bisitang babati ng Happy New Year.

Malamang ang gets ng mga magulang ko sa Media Noche ay unang almusal ng taon kaya ganito ang dapat nakahandang putahe. Hindi rin kasi kami nagtatagal sa pagkain sa loob ng bahay tuwing Bagong Taon. Pagdating ng alas-12, lalabas na kami sa kalye, mangangapitbahay at makikikain ng mga handa!


3.     Polka dots for the win!

Photo mula sa Shopee.ph


Ang nanay at mga tita ko ang mahilig sa paandar na ‘to tuwing sasalubong sa bagong taon. Kailangan talaga bilog-bilog ang design ng daster na suot nila. Walang problema kahit lumang daster basta polka dots, go! Siyempre, inaakala nilang tuloy-tuloy ang pasok ng pera buong taon kapag sinunod nila ang pamahiing ito.

Sa madalas, nagkakatotoo naman ito. Yun lang, hindi makakapal na perang papel ang laman ng bulsa ng Nanay ko kundi sangkatutak na barya mula sa aming sarisari store!

4.     Jump to sawa!

Panahon na ni Rio para tumalon sa pagsalubong ng bagong taon! 

Kapag saktong alas-12 na, stop muna sa ginagawa dahil ito na ang tamang panahon para tumalon hanggang sa pinakamataas na kaya namin. Sabay-sabay kaming tumatalon na magpipinsan. Lahat ang wish ay mas tumaas pa at hindi maasar na pandak ng buong angkan.


5.     Best New Year’s Fountain

Pabonggahan ng fountain ang magkakapitbahay habang papalapit ang alas-dose. Sa mga tulad naming hindi naman gumagasta para sa paputok, inaabangan na lang namin ang pinakamaliwanag na fountain na ilalabas ng kapitbahay. Ang mga pangmalakasang fountain kasi ang last but not the least paputok moment ng mga pamilya. Bago mag-alas-12, trayanggulo, bawang, watusi, at kung anu-anong small time lang ang pinapaputok ng mga kapitbahay namin. Iba 'pag dating ng alas-dose, kay liwanag ng buong kalye dahil sa mga amazing fountains!

Kapag namatay na ang huling ilaw ng fountain, simula na ang walang katapusang batian ng Happy New Year sa aming kalye.


New Year’s eve celebration is all about family and community. Walang tatalo sa personal na pagbati ng “Happy New Year!” sabay yakap nang mahigpit sa mga mahal na kamag-anak at kapitbahay.

Sa mga momshies, na tumatambay at napapadaan dito sa ating munting online tambayan, tanggapin n’yo ang mahigpit na yakap at pagbati mula sa aming pamilya. Happy new year!!!