NanayTALKS: Severe Dengue and the Dengue Vaccine

Thursday, December 07, 2017 0 Comments A+ a-

Nakakapagpabagabag! Ganyan talaga mga momshies ang feeling. 

Mas mahirap pa sa pag-pronounce ng salitang 'yan ang nararamdaman ng mga magulang at kamag-anak ng mga batang nabakunahan ng anti-dengue vaccine. 

Ilang araw na rin mula nang nagpahayag ang Sanofi Pasteur, ang naglabas ng Dengvaxia vaccine, na maaaring magdulot ng mas malalalang kaso ng dengue (more severe cases of dengue) ang mga hindi pa nagkakaroon ng dengue bago mabakunahan. 

Ayon sa mga balita, 700,000 na mga bata ang nabigyan ng bakunang ito mula sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon. Isipin na lang natin ang kaba at pag-aalalang narararansan ng mga magulang ng mga batang ito. Sa halip na maligtas ang kanilang mga anak sa dengue, mas may posibilidad pang maging malala ang kaso nito kapag nadapuan. 

Sa mga nais malaman ang kaibahan ng severe dengue at dengue, gumawa ako ng isang infographic. Ang nilalaman ng infographic ay mula sa isang news article na "What is severe dengue?" na isinulat ni Anne Marxze Umil at lumabas sa Bulatlat.com noong Dec. 7. 


Magsasampa ng resolusyon ang Gabriela Women's Partylist kasama ang iba pang mga progresibong partylist sa Kongreso para imbestigahan ang 3.4 B na dengue vaccine program ng gobyerno. Nag-utos na rin ang Department of Justice sa National Bureau of Investigation na imbestigahan ang kontrobersiyang ito. Kailangang may managot sa pangyayaring ito na naglagay sa kalusugan ng napakaraming bata sa alanganin at panganib. 

Mga momshies, bantayan natin ang kasong ito.