Rio Loco: POCOYO

Saturday, March 09, 2013 0 Comments A+ a-

Rio Loco : Mga kuwento tungkol sa mga bagay, salita, palabas at kung anu-ano pang kinalolokohan ni Rio.

 

Rio loves POCOYO!

5:30 na, Pocoyo na!

Madalas sakto ito sa gising ni Rio kaya pagpatak ng 5:30 ng hapon, pupuwesto na si Rio sa harap ng TV para manood ng Pocoyo. Focus kung focus ang bata. Ano kayang meron itong si Pocoyo at baliw sa kanya si Rio?

Pocoyo’s cool moves

Hula ko lang, dance moves ni Pocoyo ang mapagpasya sa kabaliwang naganap kay Rio. May Talking (Dancing,too!) Pocoyo application kami sa iPad at kung gayahin ni Rio ang pagsayaw ng pilyong si Pocoyo, wagas!

Nagulat ako nang hindi na lang dance moves ang ginagaya ni Rio kay Pocoyo. Pati ang todong pag-iling with matching pagpikit ng mga mata kapag mali ang sagot mo, nahawa na rin si Rio. May closed eyes while walking phase si Rio dati at si Pocoyo ang may kagagawan noon.

 

[caption id="attachment_640" align="aligncenter" width="200"]Rio's first Pocoyo book. Sana makatiyempo ako sa Book Sale Rio's first Pocoyo book. Sana makatiyempo ako sa Book Sale[/caption]

 

 

Pocoyo and friends

Tulad ni Pororo, gusto ko rin ang friendship nina Pocoyo, Elly, Pato, Loula, Sleepy Bird at iba pa. May kakulitan lang talaga itong si Pocoyo na dapat bantayan at ipaliwanag nang maigi sa mga batang nanonood. Ayaw niyang maligo, ginigising ang natutulog na si Sleepy Bird, basta makulit siyang bata period.

Tingin ko ang kakulitan ni  Pocoyo ang dahilan kung bakit siya patok sa mga bata. Sabi ng Wikipedia, three years old pala itong si Pocoyo. Sakto, rurok nga ito ng curiousity ng mga bata. Tama kayang nakakaidentify ang mga toddlers natin sa little blue boy na ito? Sa akin naman, enjoy mode lang talaga itong si Pocoyo. Siyempre mas ayos kung kasama kang manonood ng iyong toddler para naipapaliwanag  mo ang kakulitan ni Pocoyo.

[caption id="attachment_641" align="aligncenter" width="300"]Pocoyo everywhere! Pocoyo everywhere![/caption]

 

Masabi ko lang naman, love ko si Elly. Siya lang ang elepanteng cute sa paningin ko. Pink na ang kulay with her tiny blue backpack at take note, nagbaballet pa ang elepanteng ito. Wala talagang sinabi si Dumbo. Lalo na kapag nakajaporms si Elly – glamorous sunglasses, with matching high heels and flashy hats – bongga ang paborito kong elepante sa balat ng sangcartoonsan!

[caption id="attachment_642" align="aligncenter" width="300"]Oh Elly! photo from http://blog-esp.pocoyo.com/tag/elly/page/5/ Oh Elly! photo from http://blog-esp.pocoyo.com/tag/elly/page/5/[/caption]

Party mode rin lagi sina Pocoyo. Laging may pa-party ang magkakaibigang ito.  Hooray for surprises!  Hooray for friends! Hooray for  Pocoyo!

Pahabol: Nakakaintriga rin ang narrator sa Pocoyo. Madalas hindi lang siya nagkukuwento, join din siya sa misadventures ng magkakaibigan.

Fast forward :  Tiyak maraming Pocoyo elements sa 2nd birthday ni Rio! Hooray for Rio!