Simple pero rakenrol na 2013!
January 2, 2013 : After Rio's check-up with Dra. Marissa Valbuena, UP-PGH FMABMall puro na lang mall! New year na new year, mall!
Nagpoprotesta na ang tatay ni Rio. Nakagawian kasi naming dumiretso sa mall tuwing pagkatapos ng check-up ni Rio. Pero sa pagkakataong ito, bagong taon kaya bagong pasyalan din naman para sa aming pamilya.
Saan pa ba? E di sa Luneta!
Hindi naman ito first time ni Rio sa Luneta. Napadalaw na kami dito minsan. Kakaiba nga lang ngayon. Boycott mall din yata ang karamihan ng mga taga-Maynila kaya box office hit ang Luneta ngayon.
[caption id="attachment_565" align="aligncenter" width="300"]

Sakto ang blog post na ito sa tema namin ngayong 2013. Simple pero rakenrol na 2013 para kay Rio at sa aming mag-asawa. Parang pamamasyal sa Luneta - simple pero masaya. Walang pasikut-sikot o akyat dito, akyat doon tulad ng malling. Sa Luneta, isang diretsong lakad lang pero sa bawat lingon mo may bagong makikita at ipapakilala kay Rio.
[caption id="attachment_566" align="aligncenter" width="300"]

[caption id="attachment_567" align="aligncenter" width="240"]

[caption id="attachment_568" align="aligncenter" width="240"]

[caption id="attachment_569" align="aligncenter" width="240"]

Sa aming pinakamamahal na Rio, sana mag-enjoy ka sa mga simpleng biyaheng gagawin natin ni Tatay ngayong 2013. Mula sa Kilometer 0 (KM 0) ng Luneta hanggang sa ilan daan pang kilometrong marating natin, andito kami ni Tatay para samahan ka sa iyong paglalakbay. Rakenrol 2013!
Saan-saan kaya kami makakarating ngayong 2013? Abangan!
[caption id="attachment_571" align="aligncenter" width="652"]Saan tayo pupunta tatay? Ang layo naman![/caption]
1 comments:
Write commentsaraw ng Linggo ng masubukan naming dumalaw ng Luneta, at ganun pala doon, madaming tao mula umaga hanggang hapon pa ata. :)
Reply