Teleserye Trip #2 : Nonie Buencamino : Walang Hanggan's Evil Miguel

Tuesday, September 11, 2012 0 Comments A+ a-

Paboritong Karakter #2 sa Teleserye ( 2nd quarter 2012 edition)

2)      Miguel ( Nonie Buencamino)

Kung gaano kabagal mag-unfold ng kwento sa isang teleserye, ganoon naman ako kabilis magbago ng paboritong karakter.  Hanga pa rin naman ako kay Nathan ( Paolo Avelino) pero compared to lugaw lang siya sa ka-evilan ni Miguel sa Walang Hanggan.  Ibang klase lang umarte si Buencamino – parang loko-lokong seryoso, OA na sakto lang at demonyong nakakatuwa.

Hindi siya hearthrob kontrabida na  tulad ni Avelino pero hindi rin naman goon type na tulad nina Rez Cortez. Sakto lang.

[caption id="attachment_540" align="aligncenter" width="183"] Na- starstruck kami ng tatay ni Rio nang makita namin si Nonie sa CCP nitong huling Cinemalaya. Isa siya sa mga bida ng pelikulang Mga Kidnaper ni Ronnie Lazaro.[/caption]

Ibang klaseng magbitaw ng dialogue itong si Miguel. Tuso pero may ngisi sa dulo ang dating ng linyang ito  “Nagsasabi ako ng totoo, mamatay man si Daniel.”

[caption id="attachment_539" align="aligncenter" width="296"] Eksena sa Walang Hanggan ni Miguel at Jane     (Eula Valdez at Nonie Buencamino )kapamilyaonesite.blogspot.com

[/caption]

 

Sabi nga ng tatay ni Rio, “Hindi ko gusto ang karakter ni Miguel, gusto ko kung paano siya gampanan ni Nonie.”  Nakakasawa na ang teleserye pero ang pag-arte ni Nonie patok pa rin at  nakakaadik pa nga.

Kelan ba matatapos ang Walang Hanggan?  Gusto ko na kasing mapanood si Nonie sa ibang kuwento/teleserye, matino naman sana ang papel niya. Winner rin ang boses niya, heto ang patunay – song number ni Nonie sa 80th birthday ng kanyang tatay.

[vimeo http://vimeo.com/27325378]