September : My Birthday BaSh ( Blog and Showbiz!)
Masasabing success ang pag-introduce ko ng monthly blog theme. My Blog and Breastfeeding Month ang napili kong theme noong August para sakto sa anibersaryo ng Nanaystrip at breastfeeding awareness month. Success dahil, una, halos regular akong nakapag-blog at ikalawa, nadagdagan din naman ang mga bumisita sa blog ko batay sa site stats ng Wordpress.My Birthday BaSh ( Blog and Showbiz) ang napili kong theme ngayong September. Gagawin nating showbiz ang birthday celebration ko ngayong taon. Paano naman kaya yun? Simulan natin sa bonggang mga plano para sa Nanaystrip. Game!
- Go na go na ang monthly blog theme na ito. Kaya sana mas maraming blog posts at bisita ang dadalaw sa Nanaystrip bawat buwan.

photo taken from www.annemichaud.com
- More nice portrait shots of Rio. Malapit nang matuto si Rio magpose sa camera. Smile ang isusukli niya kapag sinasabing “Show me your teeth.” Sana makapag-ipon na ako ng magagandang shots bago ang next birthday ni Rio sa May.
[caption id="attachment_531" align="aligncenter" width="168"]

- Last but not the least, panindigan na ang pagiging Pinoy showbiz fan. Simula ngayong buwan, abangan ang mga posts tungkol sa mga pelikula at palabas sa TV. Sana masimulan agad ang Nanaystrip sa Takilya o maiikling rebyu ng mga pelikulang mapapanood ko. Heto ang ilan sa mga pelikulang nasa listahan ko this September.
[caption id="attachment_535" align="aligncenter" width="194"]

[caption id="attachment_532" align="aligncenter" width="180"]

[caption id="attachment_533" align="aligncenter" width="176"]

O pa’no? Samahan niyo ako sa aking Birthday BaSh ngayong September ha!
5 comments
Write commentsgandang gabi po.
ReplyGandang gabi rin sa'yo! Bibisita ko sa blog mo mamaya. Papatulog muna,hehe.
Replyay maraming salamat, sana di ka makatulog muna sa iyong pagpapatulog, hahaha, nakakahawa ang antok eh. marami na ang nagbago sa aking lugar. ako’y mag-aantay pero di mamimilit.
ReplyHappy birthday!
ReplyFeel ko yang theme mo this month! I can relate with the teleseryes! With movies, hindi pa hehe :)
Sa totoo,movie wishlist ko lang ang mga 'yan. Mas teleserye mode pa rin dito sa bahay. Eto ang patunay.
ReplyCharie (batang babae sa Lorenzo's Time): Papa, papa! Maglalaro tayo di ba?
Bigla na lang may narinig kaming nagsalita ng "Pa-- pa!". Walang iba kundi si Rio! Nanonood pala ang bata.