Si Lolong at ang 1st Birthday Party ni Rio sa Parks and Wildlife

Monday, July 30, 2012 2 Comments A+ a-

Si Lolong, ang pinakamalaking buwayang bihag sa buong mundo, balak daw iluwas ng Maynila at itira sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife sa QC? Na-imagine ko bigla si Lolong na umaaligid sa lagoon ng Wildlife kung saan nag-1st birthday si Rio.

[caption id="attachment_477" align="aligncenter" width="224"] Rio and his "Lolong sando"[/caption]

With or without Lolong, sa tingin ko ayos pa ring magpaparty sa lagoon ng Wildlife. Kaya nga nang may isang kaibigang nagtanong sa akin kung paano mag-pareserve dito, jinoin ko agad. Mura lang kasi ang renta (P1,700) kumpara sa ibang venue na umaabot ng P4,000 pataas. Lalong sulit dahil reserbado mo ang lugar ng buong araw ( 8am - 6pm).

[caption id="attachment_482" align="aligncenter" width="300"] Roaring Rio is ONE, rawrrrrrrr![/caption]

[caption id="attachment_479" align="aligncenter" width="200"] Make a wish![/caption]

Bukod sa mura't sulit, maaliwalas din mag-party sa park (mag-wish lang na hindi sobrang init o malakas ang ulan sa araw ng party) kaysa sa apat na sulok ng restaurant. Pwedeng magpatakbo-takbo ang mga bata ( bantayan lang nang maigi at baka matukso silang mag-dive sa tubig!) at mag-ikot muna sa mini zoo habang hinihintay magsimula o pagkatapos ng party.

[caption id="attachment_480" align="aligncenter" width="300"] Spot the gazeebo! Tatay's infrared shot of the Parks and Wildlife lagoon.[/caption]

Malaki rin ang espasyo sa lagoon kaya maraming pwedeng maniobra at gimik na gawin para sa party. Jungle safari ang theme ng  party ni Rio kaya swak sa venue.

[caption id="attachment_481" align="aligncenter" width="300"] Paw prints will lead the guests to roaring Rio's party[/caption]

Sa mga kamag-anak kong taga south,sulit ang byahe kasi nadiscover nilang  mayroon pang park sa Maynila bukod sa Luneta at mapuno pa!

[caption id="attachment_483" align="aligncenter" width="300"] Tito Josel, Tita Jay and Sam enjoyed Rio's party![/caption]

[caption id="attachment_484" align="aligncenter" width="300"] Everybody happy![/caption]

Bonus! Silipin ang mga infrared shots ni Tataystrip sa Parks and Wildlife. Enjoy at imagine natin lumalangoy si Lolong sa lagoon. Afraid!



 




2 comments

Write comments
Mary Grace V.Bagnol
AUTHOR
May 17, 2015 at 6:30 AM delete

Saan po pwede mag preserved pwede po malaman numbers nila tnx

Reply
avatar
nanaystrip
AUTHOR
May 18, 2015 at 1:03 AM delete

Nagpunta ang husband ko sa office ng admin sa Parks and Wildlife mismo. Pwede mo makita sa website nila ang numbers. :-) thanks for dropping by.

Reply
avatar