Rio's Gymboree experience (and why parks are still better playgrounds for our kids

Sunday, June 10, 2012 2 Comments A+ a-

Sa wakas! Nagamit din namin ang regalo ni Ninang Isay! Si Rio jumiGymboree na!

One-year membership sa Gymboree with 5 hours of free gymplay ang regalo ng Ninang niya kay Rio. Noong September 2011 pa effective ang membership kaya may halos 3 buwan na lang kami para ienjoy ito. Sa totoo lang, dinelay ko rin ang pag-gymboree ni Rio. Gusto ko nakakalakad na siya bago namin dalhin dito. Tingin ko mas maeenjoy niyang maglaro kung nakakalakad na siya.

Tama! Walang duda, nag-enjoy ang anak ko sa pagjigymboree!

[caption id="attachment_443" align="aligncenter" width="300"] Enjoy ka Rio ? O O !!![/caption]

[caption id="attachment_452" align="aligncenter" width="168"] Asan si Rio? Baaaa!!![/caption]

Heto ang mga dahilan kung bakit babalik kami sa Gymboree PERO hindi namin balak dalasan ang pagbisita dito :

1.  Early socialization 

Bukod sa may 4 hours of free gymplay pa kami, masayang bumalik sa Gymboree dahil nakakapag-interact kahit papaano si Rio sa mga kids. Kahit pa di hamak na mas matatanda sa kanya ang mga naglalaro, iba pa rin na may bata sa paligid niya. Isang malaking break ito sa eksena sa bahay na pare-parehong tao lang ang nakakasalumuha niya.

[caption id="attachment_444" align="aligncenter" width="300"] Play, play, play! Teka, nasaan ang mga bata???[/caption]

2.  Child-proof playground

Bawas kaba ito sa mga tulad kong nanay na may mga kids na nagsasanay pa lang maglakad. Aminado akong hindi child friendly ang bahay namin. Maliit na ang pwedeng lakaran, dami pang pwedeng mabunggo si Rio. Kaya todo bantay lahat kami kapag nagpababa na si Rio at gustong maglakad.

Sa Gymboree, sige lang kami ng sige ni Rio. Pwera sa mga wall corners at drawing sa glass ( nalagyan ang lips ni Rio nang idikit niya ang mukha niya), safe na safe para sa paglalaro ang Gymboree!

[caption id="attachment_445" align="aligncenter" width="168"] Where's Ta--tay?[/caption]

[caption id="attachment_446" align="aligncenter" width="300"] Ayan, nalagyan na ng color ang lips ni Rio![/caption]

Sandali, aminado uli ako : I am a praning nanay. Sineseryoso ko masyado ang "hug away" dapat ang layo mo sa bata to the point na hindi na nakakatuwa sabi ng tatay niya. "Hayaan mo siya maglaro. Tatayo siya kapag nadapa."  Ok, ok. Tatay sub mo muna si Nanay.

[caption id="attachment_447" align="aligncenter" width="168"] Enjoy si Tatay! Si Rio padapa-dapa effect pa![/caption]

[caption id="attachment_448" align="aligncenter" width="300"] Slide, Rio, slide![/caption]

[caption id="attachment_453" align="aligncenter" width="168"] Rio and Tatay peek into the rainbow tunnel! Huli kayo![/caption]

3. Si Yaya, lagi na lang si Yaya! ( Hindi bet ang ganitong mga eksena!)

Eto ang hindi ko magets na eksenang naabutan namin sa gymboree. Isang granny ang nag-mega scold as in pagalit kay yaya : "huwag kang lalayo sa bata. pagod na ang daddy niya!"  Tama! Una sa lahat, di ba hindi pwedeng 2 ang kasama ng kidlet sa loob ng playground? May daddy na, may yaya pa? At si Lola naman, hayaan mo ng mag-bonding ang mag-ama. At si yaya dapat rest na lang muna.

Hindi bet ang ganitong eksena pero ang ultimate reason kung bakit hindi swak sa aming gawing tambayan ni Rio ang Gymboree ay etong #4.

4.  PARK pa rin!

Iba pa rin kung sa park mawiwiling maglaro si Rio. Mas maganda pa nga kung sa probinsya. Bakit?

Hindi hamak na mas masarap ang damo ng park kaysa kutson sa Gymboree.

Mas masarap ang hangin sa labas ( lalo na ang sariwang hangin sa probinsya) kaysa aircon ng Gymboree.

Mas maraming makikita sa park (puno, bulaklak, dahon, paruparo, at marami pang iba) kaysa apat na sulok ng playground ng Gymboree.

Libre at one to sawa sa park habang may bayad at ginto ang oras sa Gymboree.

In short, mas totoong buhay ang park! Mas magiging creative at mapapraktis ang imagination ng aming kidlet.

.

2 comments

Write comments
mrsbry126
AUTHOR
June 10, 2012 at 7:20 AM delete

Ayun oh, nag-post na!
Pak ang park! Pero saan pa ba may park? Luneta?!
Hindi ko pa rin napa-try ang gymboree kay Z.. Pero tama ka, mas ma-eenjoy kapag naglalakad na. So wait pa kami hehe :)

Reply
avatar
nanaystrip
AUTHOR
June 14, 2012 at 10:23 AM delete

Nasubok na naming ipasyal si Rio sa Ayala Triangle Garden. Ayos naman lalo na weekend yun kaya wala masyadong tao. Gusto ko talaga siyang ipasyal sa Luneta. Nakapag- picture picture na din pala kami sa QC Parks & Wildlife bilang doon namin ginawa ang roaring rio's 1st birthday party!

Reply
avatar