FLASHBACK FRIDAY : My 7th Birthday Party (Inspirasyon para sa 1st birthday ni Rio)

Thursday, March 01, 2012 6 Comments A+ a-

Tama ang basa mo, MY party talaga ang nakasulat sa title ng post na 'to.  Ngayong linggo kasi nagsimula na naming pag-isipan kung paano i-celebrate ang 1st birthday ni Rio sa darating na May.  Surf ako nang surf sa internet ng mga kung anu-anong party ideas at themes pero ang laging panira ng events planner/coordinator mode ko ay ang BUDGET na kailangan. As in zebrang daming gastos ang magpaparty!

Kaya napagtripan kong balikan kung paano nga ba kami mag-celebrate ng party noon. Ano nga ba ang  Omarts-style na birthday party? Malay natin, magdulot ng kaliwanagan ang Flashback Friday trip na 'to at finally makapagsimula na kaming magplano para sa 1st birthday party ni Rio.

Wala na yatang nakakaalala ng 1st birthday party ko. O kung meron man, tamad na ko magtanong. Kaya ang babalikan ko na lang ay ang one and only time na nagkaroon ako ng birthday party -- noong  7 years old ako. Tapos nito, taun-taon may papansit o cake na lang  kapag birthday ko.

Ganito noon kapag sinabing birthday party sa Omarts.

1. Saan nagpaparty? Sa loob ng bahay o kaya sa looban.

Hindi pareho ngayon, wala pa yata sa uso noon ang mag-party sa kalsada mismo. May mga new generation Omarts babies na rin ngayon na sa Jollibee o McDo na rin nagpapaparty.  Basta ako, sa bahay ng Lola ko sa looban ginanap ang 7th birthday party ko.

[caption id="attachment_377" align="aligncenter" width="300" caption="Birthday party in da haws! Basta may lobo at cake, party party na!"][/caption]

2. Sinu-sino ang imbitado? Mga kapitbahay at kamag-anak lang.

Hindi pareho ngayon, madalas humahaba ang guest list dahil sa mga kaklase ng anak o kaya mga anak ng kaklase/kaibigan ng mga magulang.  Mala-family reunion noon kapag birthday party. Ngayon, may mga kamag-anak pa rin naman sa mga birthday parties na naattendan ko pero mas marami na ang friends ng mga magulang.

[caption id="attachment_378" align="aligncenter" width="300" caption="mga pinsan ang bisita"][/caption]

3. Anu-ano ang handa o putahe? Pansit o spaghetti, cake, hotdog w/ marshmallows on sticks na nakatusok sa repolyo, fried chicken, ice cream, solb na!  Madami na nga ang handa kapag ganyan e.

Hindi pareho ngayon, buffet mode o talagang pa-cater ang moda kung hindi man fastfood menu ang nakahanda. May mga additional gastos pa na  ice cream at candies all you can  na gimik ngayon sa mga birthday parties.

[caption id="attachment_379" align="aligncenter" width="300" caption="Ang aking 7th birthday cake from Lolo and Lola"][/caption]

4.  May games ba? Oo naman. Trip to Jerusalem, pabilisang uminom ng softdrinks, pabitin at iba pa.

Hindi pareho ngayon, bukod sa games ay sangkatutak na ang pakulo - may magicians, clowns, pantomimes at iba pa. May mga dagdag gimik  na rin para sa mga kids tulad ng face painting, balloon making, photobooth at marami pang iba.

[caption id="attachment_380" align="aligncenter" width="300" caption="Partner-partner na sa pag-ubos ng softdrinks! "][/caption]

[caption id="attachment_381" align="aligncenter" width="221" caption="Chalk at pinto lang ang katapat may game na! Draw the cat's tail!"][/caption]

[caption id="attachment_382" align="aligncenter" width="191" caption="Ang tanda ko Math drill ang game na 'to. Unahan mag-solve ng addition, subtraction, multiplication, division questions. Geeky game!"][/caption]

5. Anong souvenir o token para sa mga guests?  Lobo at pabalot ng handang cake. 

Hindi pareho ngayon, kailangan meron pang token sa mga bisita. Madalas binibagay ang souvenir sa theme ng party.

[caption id="attachment_383" align="aligncenter" width="300" caption="Tiyak may mag-uuwi ng mga lobong yan pagkatapos ng party!"][/caption]

[caption id="attachment_384" align="aligncenter" width="300" caption="Sintensyahan na ang cake na yan para makapag-uwi na ang mga bisita at makapagdistribute na ng mga slices sa mga kapitbahay"][/caption]

 

O di ba, simple lang ang Omarts-style birthday party pero happy pa rin ang lahat lalo na ang mga kids.

At yan ang inspirasyon ko sa 1st birthday party ni Rio. Gawing simple pero dapat tiyaking masaya ang lahat ng pupunta.

6 comments

Write comments
garetski
AUTHOR
March 2, 2012 at 4:24 AM delete

kaganda naman ng outfit ko dito. nung 7th bday ko partner pa ang hikaw and necklace ko. PINK kung pink. Hehehe. :)

Reply
avatar
nanaystrip
AUTHOR
March 4, 2012 at 4:04 AM delete

sa omarts ka pa ba nag 7th birthday? ano naman kaya outfit ko nun? bata pa lang ako ang boring na ng color choice ko -- brown for my 7th bday dress!

Reply
avatar
garetski
AUTHOR
March 4, 2012 at 7:28 AM delete

yes, sa omarts ako ng bday. sa pambansang venue. sa bahay ni lola kuala. :)

Reply
avatar
anney
AUTHOR
March 4, 2012 at 9:00 PM delete

Dati nga pansit, chicken hotdog at cake ok na. hehehe! Mas magastos talaga magpa party ngayun noh?

Reply
avatar
anne
AUTHOR
July 22, 2012 at 1:11 AM delete

very inspiring....ganito nadin ang gagawin ko para sa birthday ng baby ko this august...thanks :).

Reply
avatar
nanaystrip
AUTHOR
August 1, 2012 at 9:24 AM delete

salamat sa pagbisita! medyo mas bumongga ang 1st birthday ni Rio kaysa 7th birthday party ko,hehe. Hindi ko pa masyadong naikukuwento dito. Promise, bago siya mag-2 years old, maipopost ko na ang 1st bday party ni Rio. Send mo ko ng pics at konting kuwento sa birthday ng baby mo this month ha. dalaw ka lagi dito. salamat uli:-)

Reply
avatar