FLASHBACK FRIDAY : Got my Mojo working

Thursday, February 16, 2012 2 Comments A+ a-

Salamat sa Pinterest at sa My Style na board dito, nagflashback sa akin ang college favorite footwear ko.

[caption id="attachment_342" align="aligncenter" width="179" caption="Maraming pagpipiliang straps noon. Kaya lahat naka-mojos sa tambayan, iba-iba lang ang straps."][/caption]

Saan ka man tuminging tambayan noong dekada '90, may makikita kang naka-mojos. Kapag line of 9 and student number mo, hindi malayong nagsuot ka nito kahit minsan noong college days mo. Madalas ang konotasyon kapag naka-mojo, mountaineer o aktibista ka. Kasi naman, tamang-tama ang mga tsinelas na 'to pang-akyat sa bundok, pantakbo kapag may dispersal sa rally at panlakad sa buong kampus kapag pauwi ka na sa dormitoryo galing sa klase mo sa building sa kabilang ibayo.

Tanda ko pa kung saan kami bumibili ng Mojo -- doon sa isang gym sa may Tandang Sora sa likod ng grocery ( hindi ko na nga lang maalala ang pangalan ng grocery,hehe). Meron naman nagtitinda nito sa loob ng kampus pero parang mas authentic kapag doon ka sa gym bumili.



Marami nang naglabasan ngayon Tribu, Sandugo at iba pa pero kung babalikan ko ang sandals mode ko, sana makahanap pa rin ako ng Mojo, for more nostalgia effect.

Pahabol: Those were the days na nakakapag-shorts pa ko with my Mojos. Tattered denim shorts at plain white shirt lang ayos na! Sibat na papuntang klase.

[caption id="attachment_343" align="aligncenter" width="300" caption="Ooops, hindi ganito ka short shorts ha."][/caption]

Important Note: Wala na akong ma-search sa Google na mahaba-habang tattered denim shorts kaya ganito kaikling shorts ang na-post ko. Di hamak na mas mahabang shorts ang suot ko dati. Hehe.

2 comments

Write comments
mrsbry126
AUTHOR
February 16, 2012 at 3:25 PM delete

Ang sarap sa UP... Kahit anong isuot mo, keri lang :)

Reply
avatar
nanaystrip
AUTHOR
February 18, 2012 at 5:45 AM delete

Very true. Kapag late ka nagising, minsan hilamos lang ang katapat with your pambahay look, keri pa rin! Miss those days :)

Reply
avatar