FLASHBACK FRIDAY : Classic Champorado

Thursday, February 09, 2012 0 Comments A+ a-

Hindi ko magawang magsawa sa champorado. Ngayong linggo, tatlong umaga ko na itong almusal. Isang bowl ng champorado at dalawang mainit na pandesal, solb na ko!

Paborito talaga ng pamilya namin ang champorado. Kaya lang, lumaki kami sa instant champorado, hindi yung niluluto ang malagkit at tsokolate.

[caption id="attachment_329" align="aligncenter" width="150" caption="Ito ang lagi naming niluluto. Hindi pa ganito ang packaging noon."][/caption]

Champorado Cheka ngayong Flashback Friday:

- Kapag bumabagyo, walang pasok at minsan brownout, ang tiyak na rekwes naming almusal CHAMPORADO!

- Laro naming magkakapatid na kortehan ng initial ng mga pangalan namin ang binubuhos naming gatas sa champorado. Minsan, naglalaro rin kami ng iba't ibang hugis sa aming bowl.

[caption id="attachment_330" align="aligncenter" width="150" caption="Letter N lagi ang ginagawa ko!"][/caption]

- Mas masarap para sa akin ang malamig na champorado. Kapag may natira kahit sobrang konting champorado, ilalagay ko agad yun sa pint ng ice cream at ilalagay sa freezer. Merienda ko yun sa hapon! Perfect!

Mahihilig din kaya si Rio sa champorado? Pero dapat hinay-hinay lang at may katamisan ang paborito kong ito. Promise, isang beses na lang ako magchachamporado sa almusal next week. :)