EAT malunggay, SAY “I have milk!” and LOVE your baby

Saturday, February 11, 2012 31 Comments A+ a-

"Welcome to the Milk Mama Diaries Carnival (February). For this month, we focus on back to basics. Participants will share advices - either the best breastfeeding advice they received OR/AND the best breastfeeding advice they can give to new moms.  Please scroll down to the end of the post to see the list of carnival entries."

Hindi ako handang mag-breastfeed.

Noong buntis ako, mas pinagkaabalahan ko ang aking kundisyon -- meron kasi akong APAS (anti-phospholipid antibodies syndrome) at GDM ( gestational diabetes melittus). Sa araw-araw na injection at pagkontrol ng pagkain naubos ang oras ko kaya’t wala talaga sa aking priority list ang maghanda para sa breastfeeding.

Pero isang walang kagatul-gatol na “Yes, I will breastfeed,” ang naging sagot ko nang itext ako ng aking pediatrician friend kung may plano akong mag-breastfeed.

Ang numero unong payo ko :  Be resolved!

[caption id="attachment_337" align="aligncenter" width="300" caption="Rio's "Yes to breastfeeding" pose! BE RESOLVED!"][/caption]

Kapag resolbado kang mag-breastfeed, lahat gagawin mo para matuloy ito.  Magkaroon ka man ng sore nipples, puyat man sa madaling araw o nagkakaproblema sa milk supply, lahat ‘yan kayang-kaya mong lagpasan basta desidido ka.

“Wala o kulang na kasi ang gatas ko,” eto ang madalas na  naririnig kong dahilan ng maraming nanay kung bakit hindi o sandali lang sila nag-breastfeed. Sana makatulong ang mga tips kong ito para hindi agad sumuko si Nanay.

EAT malunggay.

Kulang na lang ngatain ko ang sariwang malunggay. Maglagay ng malunggay sa lahat ng luto lalo na sa mga may sabaw. Epektib talaga ‘to. Sa mga may budget, nakakabili sila ng mga lactation cookies pero sa mga sakto lang ang kita, isang tali lang ng malunggay na ihahalo natin sa putahe tulad ng tinolang manok, ayos na ayos na!

May tinuro rin ang ate ko sa aking luto sa malunggay. Madali lang itong ihanda at tipid pa. Wala pang P30, may sabaw ka na para sa buong araw, marami pang gatas para kay beybi. Kapag kumakain na si beybi ng solids, pwede nang i-share sa kanya ang kalabasa. Law-oy ang iluto niyo para sa mas maraming gatas.

SAY “I have milk!”

Sabi nga ng pedia-friend ko noong beybi pa si Rio, hangga’t umiihi si beybi at may tumutulong gatas sa isang dede habang nag-breastfeed ka sa isa, sakto lang ang milk supply mo.

Huwag mong pagdudahan ang kakayahan mong gumawa ng gatas. Ang mahalaga, lagi kang mag-breastfeed at mag-pump naman kung hindi mo kasama si beybi.

Uminom din ng maraming tubig. Humigop ng sabaw at isigaw, “I have milk!”

LOVE your baby.

Given na ‘to sa ating mga Nanay. Tandaan na lang natin na ang ating gatas ang isa sa pinakamahalagang regalong maibibigay natin sa kanila.  Ang love na ito rin ang nagiging inspirasyon natin para patuloy na mag-breastfeed, gaano man karami ang nasasalubong nating problema sa proseso.

Kaya sa mga Nanay, EAT (malunggay) , SAY (I have milk!) and LOVE, LOVE, LOVE !

[caption id="attachment_336" align="aligncenter" width="200" caption="Rio at 9 months and still breastfeeding! Yey!"][/caption]

Happy to be part of this blog carnival. Enjoy reading these great posts from great moms!

The Articulate Pen's Breastfeeding needs Patience

Diapers and Stethoscope's Back to Basic

My Mommyology's What I've Learned About Breastfeeding

Ms. Masungit's From One Mom To Another

The Odyssey of Dinna's Breastfeeding Words of Wisdom

Mrs. Bry126's We're All in this Together

I Am Clarice's Paying it Forward

My Mommy Kwentos' Sharing My Favorite Breastfeeding Advice

Planet Marsy's Better Than None

Mommy {T} Coach's Saved by the Nursing Mommas

Mama Drama's Patience and Breast-friends

Adventures on Planet Mom's Stubborn Me! Sure Glad I didn't give up

Nanaystrip's Eat Malunggay, Say "I Have Milk" and Love your Baby

Starting at Twenty-Five's My Husband's Best Breastfeeding Advice

Nanay *Loves* Purple's Why Attend Breastfeeding Class/Seminars

Truly Rich Mom's My Top 5 Breastfeeding Tips for New Moms

Legally Mama's Take it from the non-expert!

Mommy Mama Rat's My Breastfeeding Mantra

Mr. Jacob's Mom's Breastfeeding Tips from a Non-Breastfed Mommy

Hybrid Rasta Mama's Breastfeeding Lists, Advice, Links and More

Apples and Dumplings' One Word of Breastfeeding Advice

Touring Kitty's Just Do It

EthanMama's Only the Best for My Baby

the canDIshhh tales' My Breastfeeding Advice

Mec as Mom's Enough is Enough

Chronicles of a Nursing Mom's On Breastfeeding Number Two - Redux

31 comments

Write comments
February 12, 2012 at 4:29 AM delete

[...] Nanaystrip’s Eat Malunggay, Say “I Have Milk” and Love your Baby [...]

Reply
avatar
Mars
AUTHOR
February 12, 2012 at 6:02 AM delete

i believe in the wonders of malunggay. super effective din sakin :) also agree with you that low milk supply shouldn't be a reason to quit breastfeeding :)

Reply
avatar
February 12, 2012 at 6:53 AM delete

[...] <a href=”http://nanaystrip.wordpress.com/2012/02/12/eat-malunggay-say-i-have-milk-and-love-your-baby/” target=”_blank”>Eat Malunggay, Say “I Have Milk” and Love your [...]

Reply
avatar
February 12, 2012 at 8:06 AM delete

[...] Nanaystrip’s Eat Malunggay, Say “I Have Milk” and Love your Baby [...]

Reply
avatar
mymommyology
AUTHOR
February 12, 2012 at 8:21 AM delete

Yes to the malunggay, yes to the "I have milk!" and yes to the love! :) We moms need all three to be successful. ;)

Reply
avatar
February 12, 2012 at 3:07 PM delete

[...] Adventures on Planet Mom’s Stubborn Me! Sure Glad I didn’t give up Nanaystrip’s Eat Malunggay, Say “I Have Milk” and Love your Baby Starting at Twenty-Five’s My Husband’s Best Breastfeeding Advice Nanay *Loves* [...]

Reply
avatar
February 12, 2012 at 3:15 PM delete

[...] Adventures on Planet Mom’s Stubborn Me! Sure Glad I didn’t give up Nanaystrip’s Eat Malunggay, Say “I Have Milk” and Love your Baby Starting at Twenty-Five’s My Husband’s Best Breastfeeding Advice Nanay *Loves* [...]

Reply
avatar
February 12, 2012 at 4:44 PM delete

Yes! Yes! Yes! Dahil sa breastfeeding ako natututong kumain ng malunggay, magkaroon ng bilib sa aking kakayahan at siyempre magmahal :) Thanks for sharing!

Reply
avatar
mrsbry126
AUTHOR
February 12, 2012 at 5:46 PM delete

Everytime we'll have feeding sessions, I always tell myself and my baby that "mommy has milk, mommy has milk!" :) malunggay is also very effective for me.. It's nice that there are different food choices with malunggay such as pastillas and ice cream!

Reply
avatar
February 12, 2012 at 8:04 PM delete

definitely true! wag isipin na "walang gatas", just keep breastfeeding!

Reply
avatar
February 12, 2012 at 8:47 PM delete

[...] Adventures on Planet Mom’s Stubborn Me! Sure Glad I didn’t give up Nanaystrip’s Eat Malunggay, Say “I Have Milk” and Love your Baby Starting at Twenty-Five’s My Husband’s Best Breastfeeding Advice Nanay *Loves* [...]

Reply
avatar
February 13, 2012 at 12:19 AM delete

Eat, say, love! Love it :-)

Reply
avatar
touringkitty
AUTHOR
February 13, 2012 at 6:59 PM delete

Dasal ko lang talaga ang makapanghikayat pa ng ibang magiging nanay na subukan man lang magbreastfeed bago sumuko. Natatalo ang breastfeeding kasi nandyan ang formula.

Reply
avatar
February 14, 2012 at 11:17 AM delete

Eat, Say, Love! ;-) Galing! ;-) Congrats, sis and keep it up! God bless always!

Reply
avatar
Jenny
AUTHOR
February 14, 2012 at 6:07 PM delete

breastfeeding is a mind game! one of the good advice i received was to think of waterfalls when expressing milk to encourage milk flow :D

Reply
avatar
February 15, 2012 at 9:57 AM delete

Ganyan din sabi ng pedia namin. basta's umiihi at may poop si baby, patuloy lang. sabi rin niya uminon ng 1-4 litrong tubig lalo na pag ka nasa mga unang araw pa lamang matapos manganak. Ginawa ko yan pati ang pagkain ng malungay. Lagi ko request yung tinolang manik with malunggay, sarap syang i partner sa porkchop:)

Reply
avatar
arianne
AUTHOR
January 22, 2014 at 1:07 PM delete

thank you for this very inspirational blog..now im ready!.. I will eat malunggay, i have milk...and love love love...=)

Reply
avatar
nanaystrip
AUTHOR
February 3, 2014 at 12:22 AM delete

Thanks Arianne! Milk, milk, milk! Love, love, love! :-)

Reply
avatar
June 21, 2014 at 10:37 AM delete

[…] on Planet Mom’s Stubborn Me! Sure Glad I didn’t give up Nanaystrip’s Eat Malunggay, Say “I Have Milk” and Love your Baby Starting at Twenty-Five’s My Husband’s Best Breastfeeding Advice Nanay *Loves* […]

Reply
avatar
July 26, 2014 at 7:31 PM delete

[…] Nanaystrip’s Eat Malunggay, Say “I Have Milk” and Love your Baby […]

Reply
avatar
Modesto
AUTHOR
August 11, 2014 at 9:22 PM delete

Hello friends, iits enormous piece of writing about cultureand completely explained,
keep it up all the time.

Reply
avatar
irish
AUTHOR
September 9, 2014 at 9:15 AM delete

ee bakit po ako . LAgi nmAn po akong nag mamaLunggay sa bahay . perO kunti paLAng po tLAga ang gatas na LumaLAbas sakin ? naawa na po ako sa anak ko .tSsk . :( 2 weeks and 1 day na po sya pRo hanngang ngayOn hindi pa po sya na sa satisfied sa gatas ko ? :(

Reply
avatar
Marie Cris T. Baquero
AUTHOR
January 5, 2016 at 6:30 AM delete

True papagatas ang malunggay... proven and tested na yan favorite ko din yan... kaya nga ako nag papabreastfeed dahil din sa malunggay masustansya.

Ms. Baquero

Reply
avatar
nanaystrip
AUTHOR
January 5, 2016 at 2:42 PM delete

Salamat sa pagbisita dito Ms. Baquero! Na-miss ko tuloy ang law-oy ( malunggay, kalabasa, sibuyas at kamatis soup)!

Reply
avatar
Marie Cris T. Baquero
AUTHOR
January 6, 2016 at 5:24 AM delete

masarap nga po yan Madam Law-oy .... pwede pa makakain nyan madam:)

Reply
avatar
July 11, 2016 at 1:34 PM delete

[…] Nanaystrip’s Eat Malunggay, Say “I Have Milk” and Love your Baby […]

Reply
avatar
mommy A
AUTHOR
August 1, 2016 at 7:20 AM delete

Di ako makapagpasuso ksi ung utong ko may problema. Masyadong malaki at kpag nadede ung baby ko para syang nalulunod sa laki ng utong ko. Pano bang gagawin ko

Reply
avatar
Anonymous
AUTHOR
November 9, 2016 at 10:35 PM delete

oo mganda talaga kapag dumididi Sayo anak ko ...baby KO nga may 4months dumididi pa sakin ayaw kasi sa bote ..
.

Reply
avatar
Abigailpadigosrivera
AUTHOR
December 3, 2016 at 3:38 AM delete

Sis tan0ng ko lng magpapantay pa ba ang sus0 ng nanay na nagpapasuso kng mliit na ung isa nyang suso kc hnd nagpantay nung nagpapadede ako...papantay b xa ulit kpag hnd na ako nagpapadede at kapag nagkababy b ako ulit parehas pa kayang lalaki ang suso ko para magkagatas.?salamat

Reply
avatar