Changing Diapers

Friday, January 13, 2012 1 Comments A+ a-

Bakit ba Pampers ang gamit niyo? Mahal yan!



20120113-221000.jpg

Wala ako laging maisagot. Basta isang beses niregaluhan si Rio ng Ninang niya ng sangkaterbang Pampers. Nang maubos yun, di na ko bumili ng ibang brand. Tingin ko hiyang na si Rio sa Pampers. Bakit pa ako magtitiis sa mas mura? Pang-commercial ba, teh?

Pero mas mura nga ba talaga ang ibang brand kaysa Pampers? Kanina, sa wakas nakumbinsi ako ni tataystrip na magbalik-loob sa EQ. True. EQ baby naman talaga si Rio. Nang bagong panganak siya hanggang mga 3 months, ito ang gamit niya. Mas makakatipid daw kasi talaga kami sa EQ. Sa totoo lang, tipid naman kami sa disposable diapers. Halos sa gabi lang gumagamit si Rio ng disposable para tuluy-tuloy ang tulog niya. Cloth diapers na siya sa buong araw.

Balik tayo sa EQ vs Pampers. Nang nasa bahay na kami, sinubukan kong kwentahin magkano per piece ang 2 brands. At nakakagulat ang resulta! P7.70 per pc ang Pampers habang
P 8.20 naman ang EQ! Pwedeng mas mura ang Pampers ngayon kasi may promo na free 2 diapers pag bumili ka ng 20 pcs. Pero kahit pa, kung walang promo, lalabas na mas mura lang ang EQ ng P0.20!

Wish ko lang na maging hiyang si Rio sa EQ para maging sulit ang pagshift ko dito. Hindi ko pa masasagot yan agad kasi marami-rami pa kaming uubusing Pampers.

1 comments:

Write comments
Em Alcantara
AUTHOR
February 19, 2012 at 5:05 AM delete

Kahit gusto kong gamitin ang Pampers, hindi nahiyang ang anak ko rito. EQ lang ang nakasundo nya simula't sapul ;) kaya bulto kung bumili kami para mas mura.

Reply
avatar