Our "shared" hobby

Monday, November 07, 2011 0 Comments A+ a-

Nabasa ko sa blog na Wifely Steps na makakatulong para sa isang relasyon kapag may ineenjoy kayong mag-asawa na isang hobby o shared hobby. Sa kaso namin, mas swak na sabihing nagsusuportahan kami sa mga hilig at interes namin.

Feeling blogger si nanay,photographer mode naman si tatay. Paano ba pwedeng pagsalubungin ang mga ito?



[caption id="attachment_176" align="aligncenter" width="300" caption="Tataystrip's favorite subject ~ Rio!"][/caption]


Mga bagito pa lang kami sa blogging at photography. Sa mga nagsisimula sa isang bagong larangan, madalas kailangan ng pampalakas-loob. Yung nagsasabing maganda kung maganda at pangit kung pangit ang sinulat/kuha mo. At kapag nahihiya kang mag-share ng post/photo mo, may magtutulak sa'yong gawin ito. May kasama ring paalala na maging handa sa mga komentong makukuha mo sa mga makakabasa/makakakita ng mga gawa mo.


Sana samahan niyo kaming mag-asawa sa byahe namin -- hindi lang sa pagiging mga magulang kay Rio, pati na rin sa "shared" hobby naming dalawa ( magkaiba man ang interes namin, "shared" dahil nagtutulungan kami at masaya para sa isa't isa).


Nasa bandang kanan ng blog ko ang flicker account ng tatay ni Rio o pwede na ring i-click si tataystrip!  Enjoy!



[caption id="attachment_177" align="aligncenter" width="300" caption="Sana maging #1 fan ng blog ko si Rio pag nakakabasa na siya. Photo from zazzle.com"][/caption]