My Pwera-Usog Moment

Wednesday, November 02, 2011 2 Comments A+ a-

Kakaoffend pala masabihan ng “pwera usog!”.  Sa pagkakatanda ko naman, hindi ito ang unang beses na masabihan ako nito pero sigurado akong first time ito mula nang naging nanay ako.  Ewan ko kung bakit bigla akong na-offend, e dati naman game pa ako kapag nagrerekwes ang may karga ng bata na lawayan ko sa paa o tiyan ang alaga niya pangkontra-usog.

Kakaiba talaga ang dating at tama sa akin nang sinabihan ako ng isang nanay na nakasalubong ko sa Mercury Drug ng “pwera usog.”  Naitanong ko lang naman kung ilang buwan na ang karga niyang bata, sabay sabing “ang cute niya!”

Haay, ang mga pamahiin nga naman! Sa halip na “salamat” ang isukli sa magandang komentaryo sa kanyang anak,  “pwera usog” pa ang kapalit nito.  Sabi ng nanay ko, wala namang mawawala kung maniniwala sa mga ganitong pamahiin. Pero hindi pa rin ako matahimik sa “pwera usog moment” ko, kaya sinubukan kong kumalap ng mga babasahin para mas maunawaan ito.

Maging Busog sa Kaalaman para Kontra-Usog

Tulad ng maraming pamahiin, mauugat ang paniniwala sa usog noong panahon ng mga Kastila. May tinatawag ang mga Kastila na mal de ojo o “evil eye hex” na  sa pamamagitan lang ng pagtingin sa isang tao ay magdudulot ito ng sakit o kamalasan. Basahin  dito ang iba pang paliwanag sa pinagmulan ng usog.

Madalas ang mga nauusog na bata ay nakakaranas daw ng  walang tigil na pag-iyak, sumusuka, hindi makatulog o sumasakit ang tiyan.  Laway lang daw ng  nakausog ang  gamot dito na dapat ipahid sa pormang krus sa tiyan o noo ng batang nausog.

[caption id="attachment_157" align="aligncenter" width="300" caption="Gutom at karga lang ang gusto ni Rio kapag umiiyak."][/caption]

Wala pa ring nakakapagpatunay hanggang sa kasalukuyan na may medical basis ang usog at kontra usog. May mga pag-aaral din tulad ng nabanggit sa artikulong ito na sinasabing may component ang laway na itinuturing na pain killer na maaring maging batayan sa pagsabing makakontra-usog ang laway.  Pero bago sisihin ang bumati sa inyong anak at sabihing nausog ito, marami ring  pwedeng dahilan kung bakit umiiyak ang isang bata.

E bakit nga ba ako OA sa pwera usog moment ko? 

Nanay na kasi ako.

E ano naman kung nanay na ko? Nanay rin naman yung nagsabi sa aking "pwera usog" ah.  Oo nga naman. Nanay tayong lahat. Pero naging kakaiba ang "nanay experience"  ko mula nang nagbubuntis pa lang ako hanggang ngayong anim na buwan na si Rio. Kinailangan kong maging matiyaga para alamin at aralin ang lahat ng mga pinagdaanan naming mag-ina tulad na lang ng APAS (anti-phospholipid antibodies syndrome), gestational diabetes, breastmilk jaundice at marami pa.  Eto ang natutunan ko : sa pamamagitan lang ng pag-alam  sa mga bagay-bagay nawawala ang takot. Kaya nakakalungkot na may mga nanay na hanggang ngayon ay nakatali pa rin sa mga pamahiing tulad ng usog.

Bukod sa pagiging nanay, nakakabadtrip ding  suklian ng takot ang pag-appreciate mo sa isang bata. Marami na rin akong nakasalubong sa maikling byahe naming mag-ina, kahit pa online friends lang, at nakita kong marami kung hindi man lahat sa kanila ay tapat at bukas na magkomento, makinig, magpayo at magbahagi ng kaalaman.

OA na kung OA. Kaya sa susunod na may bumati sa anak mo na cute, mataba, pogi , maganda. Eto na lang ang isagot mo– Wehhh, , pwera biro?! Maraming salamat!

May mga pwera-usog moments din ba kayo? Anong naging reaksyon niyo?

2 comments

Write comments
Deyy
AUTHOR
June 25, 2013 at 12:05 AM delete

Hello, I came across your blog for the obvious reason that i, too, am looking for the best 'kontra-usog' stuff. I grew up in the province till my teenage years, and i've witnessed a lot of 'usog' happenings. Which means i knew exactly what needs to be done to kids na nausog. Being a mom myself, i am very conscious about the environment that would somehow cause unnecessary experiences for my kids, which includes 'this one'. I had been told "pwera usog" in some occasions, and honestly, it's no big deal. Oftentimes, I voluntarily utter 'the words' after i praise a child, to refute myself. True enough, we are in a modern era and 'pamihiin' nowadays are regarded as baseless or OA. But if truth be told, age has no bearing with what our ancestors believed to have co-existed with human nature. It doesn't harm you in one way or another to follow some uncomplicated supertitions, as long as para sa ikabubuti natin ito. It is what it is. Better yet, keep praying for safety and protection.

Anyhow, thanks for sharing this blog. God bless you.

Reply
avatar
nanaystrip
AUTHOR
June 29, 2013 at 10:01 AM delete

Thanks for dropping by and reading my posts. After that incident I was extra careful in giving affirmations to kids. I usually keep it to myself ( ang haba ng pilikmata nung bata o!) or I try to find out first if the mom believes in pwera usog.

Reply
avatar