BreasTALK : Text, Retweet, Share your Knowledge and Experiences

Tuesday, August 16, 2011 16 Comments A+ a-

"Welcome to the Milk Mama Diaries Carnival (August). For this month, we join the World Alliance for Breastfeeding Action in it's "Talk to Me!" theme where participants will share personal experiences, insights or recommendations in communicating breastfeeding intentions and goals to their support system. Please scroll down to the end of this post and check out the other carnival participants."

BreasTALK : Text, Retweet, Share your Knowledge and Experiences

Nanay at anak. Sa unang tingin, dalawang tao lang buo na ang kwento ng  breastfeeding - isang nagbibigay at isang tumatanggap ng gatas.

Ako at si Rio.  Ako ang nanay na nagbibigay ng gatas habang si Rio naman ang batang umiinom nito. Pero teka lang, kulang pa ito. Hindi magiging panalo ang tatlong buwang breastfeeding naming mag-ina kung wala ang pinakamaaasahan naming support system.

Para sa akin, hindi lang personal na usapin ang breastfeeding. Isa itong interaksyong nagtuturo sa ating humingi ng tulong sa mga mas makaranasan at ibalik ang ating mga natutunan sa mga sasabak pa lang.

Saklolo! Saklolo!

Dito papasok ang mga kaibigan nating naunang makapag-breastfeed ng kanilang mga anak. Sila ang magiging pansamantalang guro natin. Sa mga unang linggo ng breastfeeding, para tayong mga batang tinuturuang magsulat ng pangalan. Sinasanay tayo ng tamang latch na parang tinuturuan ng paghawak ng lapis para makapagsulat nang maayos.

Maswerte ako sa mga kaibigan. Isang text ko lang, may sagot na agad sa mga tanong ko. Tuwing kelan ba dapat magpadede? Paano yan, ayaw dumede ni Rio sa  kanan? Sa chat, twitter o facebook man, matiyaga nilang sinagot ang mga tanong na ‘yan. Hindi man kami nagkikita, naging pampalakas loob ko ang mga mensahe nila.

Maituturing ko ring mga kaibigan kahit hindi ko pa sila nakikilala ang mga mom bloggers na matiyagang ikinuwento ang breastfeeding stories nila. Habang binabasa ko ang mga testimonya nila, naisip kong kaya ko ring magtagumpay tulad nila sa larangan ng breastfeeding.

Ikaw naman!

Tama, ikaw naman ang magbalik ng iyong mga natutunan. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ako nag-blog. Gusto kong ikwento ang byahe ko bilang isang bagong nanay kasama na rito ang mga pinagdadaanan namin ni Rio sa breastfeeding. Pwedeng hindi pang-eksperto ang mga tips na maibibigay ko pero ang tiyak, dagdag boses ako sa paparaming mga nanay na nagpapalaganap sa kagandahan ng breastfeeding.

Huwag din namang ipagkamaling ang breastfeeding advocacy ay sa pagitan lang ng mga nanay. Napakahalaga ng papel ng komunidad lalo na ng gobyerno para dumami pa ang matatagumpay na breastfeeding stories  sa buong bansa.

Kaya kasabay ng pagkukuwento ko sa aming pinagdadaanan ni Rio, nananawagan din ako sa ating gobyernong dagdagan ang budget para sa kalusugan. Magtitiyak ito ng mas maraming proyekto para sa pangangalaga ng kalusugan ng mga bata at kababaihan.

Tandaan:  I-retweet ang bagong kaalaman, I-share ang bagong karanasan!

Hindi lang pansariling paglalakbay ang breastfeeding.  Kailangan natin ang tulong ng iba at tanggapin ang tungkuling magbigay at tumulong din sa iba.  ‘Yan naman ang ganda ng breastfeeding.  Natututo tayong magbigay hindi lang ng ating gatas kundi ng ating mga karanasan, kaalaman at sarili.

Heto pa ang mga entri sa Blog Carnival. Mga nanay, basahin, at busugin ang ating mga isipan! Enjoy!
















16 comments

Write comments
August 17, 2011 at 10:26 AM delete

oo nga naman
tara na;t lalong palaguin ang ating komunidad
at ang kaalaman
ng sambayanan
para... mas maraming buhay
ang maligtas

Reply
avatar
August 17, 2011 at 3:28 PM delete

Cute nitong post na `to! ;-) hehe. Very informal (read: friendly) ang dating yet informative din! ;-) Go sis! Let's retweet, repost, share, reblog for all the world to know about BFing!

Reply
avatar
Jen CC Tan
AUTHOR
August 17, 2011 at 5:11 PM delete

"Para sa akin, hindi lang personal na usapin ang breastfeeding. Isa itong interaksyong nagtuturo sa ating humingi ng tulong sa mga mas makaranasan at ibalik ang ating mga natutunan sa mga sasabak pa lang."

This is so true. Madalas, and mga moms na nakapag breastfeed, lalo na't mahirap ang napagdaanan, sila yung talagang taos pusong mag "pay it forward".

Been there, done it, still helping!!

Masaya ako't marami kang natatakbuhang kaibigan!

Reply
avatar
August 17, 2011 at 5:57 PM delete

[...] and the Three Boys: I’m breastfeeding, and that’s that.</a> <a href=”http://nanaystrip.wordpress.com/2011/08/16/breastalk-text-retweet-share-your-knowledge-and-experienc...: BreasTALK : Text, Retweet, Share your Knowledge and Experiences</a> <a [...]

Reply
avatar
August 17, 2011 at 6:15 PM delete

[...] Set, Go! for Breastfeeding J and the Three Boys: I’m breastfeeding, and that’s that. Nanaystrip: BreasTALK : Text, Retweet, Share your Knowledge and Experiences PenpenEspie: A Shout out to My Breastfeeding BuddiesProject Blog byKate: Talk and Make It Happen [...]

Reply
avatar
August 17, 2011 at 6:19 PM delete

[...] Nanaystrip’s BreasTALK : Text, Retweet, Share your Knowledge and Experiences (Twitter: @bunsonimaestro) [...]

Reply
avatar
August 17, 2011 at 6:44 PM delete

[...] Nanaystrip: BreasTALK : Text, Retweet, Share your Knowledge and Experiences  at http://nanaystrip.wordpress.com/2011/08/16/breastalk-text-retweet-share-your-knowledge-and-experienc... [...]

Reply
avatar
August 18, 2011 at 4:35 AM delete

[...] World’s Ready, Get Set, Go! for Breastfeeding (Twitter: @Escielicious) Nanaystrip’s BreasTALK : Text, Retweet, Share your Knowledge and Experiences (Twitter: @bunsonimaestro) Superwomom’s A-S-Ks (on breastfeeding questions, help, support) [...]

Reply
avatar
Jenny
AUTHOR
August 18, 2011 at 4:42 AM delete

I definitely agree that breastfeeding advocacy is not just among moms! The government and community certainly play big roles but how will they know what we need or what more needs to be done if we don't tell them? Talking about our experiences will definitely spread the word!

Reply
avatar
August 18, 2011 at 7:05 AM delete

[...] World’s Ready, Get Set, Go! for Breastfeeding (Twitter: @Escielicious) Nanaystrip’s BreasTALK : Text, Retweet, Share your Knowledge and Experiences(Twitter: @bunsonimaestro) Superwomom’s A-S-Ks (on breastfeeding questions, help, [...]

Reply
avatar
touringkitty
AUTHOR
August 18, 2011 at 8:43 AM delete

naki-ayon ang "post" na ito sa isa pang mahalagang bagay ngayong buwan -- ang buwan ng wika! gagawin ko rin dapat na Filipino ang aking "post" --hala paano ba isalin ito, pati ang breastfeeding --pagpapasuso? kaya hindi ko itinuloy ang pagsasaFilipino ng aking "post." bow. :)

gamitin ang social media sa mabuting paraan! ipalaganap na ang breastfeeding ay normal :)

Reply
avatar
gohelpyourself
AUTHOR
August 18, 2011 at 10:17 AM delete

Ang galing mo mag-Filipino. Sana ako rin. Maganda ang mga mungkahi na binigay mo. Mas madali nga kung may suporta ng gobyerno.

Reply
avatar
Dainty Mom
AUTHOR
August 18, 2011 at 9:09 PM delete

[...] Get Set, Go! for Breastfeeding (Twitter: @Escielicious) Nanaystrip’s BreasTALK : Text, Retweet, Share your Knowledge and Experiences (Twitter: @bunsonimaestro) Superwomom’s A-S-Ks (on breastfeeding questions, help, [...]

Reply
avatar
handymommy
AUTHOR
August 18, 2011 at 11:49 PM delete

sis, ang iyong paggamit ng wikang filipino ay namnam na namnam ang damdamin ng iyong entri. breastfeeding and buwan ng wika combined!

naniniwala ako sa sinabi mo, na kahit hindi tayo eksperto, and ating maliliit na boses ay mahalaga sa pagpapalaganap ng kaalaman! saludo ako sayo, nanay!

Reply
avatar
Armi
AUTHOR
August 28, 2011 at 2:21 AM delete

Natutuwa akong basahin ang blog mo! Naaalala ko ang pagbabasa ko ng mga aklat-aralin sa asignaturang Filipino noon. ^_^

"Tama, ikaw naman ang magbalik ng iyong mga natutunan. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ako nag-blog." - sang-ayon ako dito. Isa din itong dahilan kung bakit ako nag-uumpisang maging aktibo muli sa blogging.

Natutuwa din akong makasama ka sa blog carnival na ito! ^_~

Reply
avatar
May 25, 2013 at 11:56 PM delete

[…] World’s Ready, Get Set, Go! for Breastfeeding (Twitter: @Escielicious) Nanaystrip’s BreasTALK : Text, Retweet, Share your Knowledge and Experiences (Twitter: @bunsonimaestro) Superwomom’s A-S-Ks (on breastfeeding questions, help, support) […]

Reply
avatar