Cinderella sa Quiapo

Sunday, July 31, 2011 4 Comments A+ a-

Alas tres na. Dapat mga ala-5 o bago mag ala-6 ng gabi nasa bahay na tayo. Usapan namin yan ni Tatay ( tatay ni Rio) habang hinihintay ang pagdating ng tren.

May date kasi kami sa Quiapo. Unang beses naming mag-asawa aalis ng bahay nang hindi kasama si Rio. Kulang na lang magpapiktyur ako sa istasyon ng LRT sa sobrang excitement.

Para akong si Cinderella na mamamasyal sa Quiapo nang hapong 'yon. Dapat kasi 2-3 oras lang ako mawawala sa tabi ni Rio  habang natutulog siya sa hapon. Exclusive breastfeeding kaming mag-ina. Kung aalis ako, dapat kasama ko siya. Bakit ba kasi hindi ko pa karirin ang pag-pump o pag-express ng gatas para may maiiwan na akong sapat na gatas kay Rio at nang hindi na ako napapraning?  Pero dahil much-awaited nga ang Quiapo date, nakapag-express ako ng lagpas 1 oz na gatas para may maiinom si Rio kung magutom man siya at wala pa si Nanay.

Sa totoo lang, mas bongga pa si Cinderella sa akin. Siya na ang mag-party hanggang hatinggabi. Samantalang ako na bagong nanay, 2 oras lang dapat  nasa bahay na.

Tama na nga ang angas. Mabilis naman ang buhay sa Quiapo. Sa dami ng ganap dito, hindi mo napapansin ang oras. Konting ikot at pasyal-pasyal lang sa Carriedo, Hidalgo at DVDlandia, solb na!

Pero hindi kumpleto ang Quiapo date naming mag-asawa kung hindi kami magmemeryenda sa Alaska Soda Fountain. Hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung bakit ito ang napiling pangalan ng may-ari. Malamang Alaska yung gatas na katambal ng hot chocolate na binabalik-balikan ng mga suking tulad namin.

Alaska Soda Fountain sa Quiapo

Halos pareho pa rin ang nasa menu– hot pandesal na pwede mong piliin ang ipapalaman kung egg, ham, bacon, corned beef o sardines.  At siyempre pa, hindi mawawala sa order namin ang hot chocolate na P33 lang ang isang tasa! Pwedeng-pwede itong pang-tapat sa mga “gintong” hot choco sa mga cafĂ© sa Greenbelt at The Fort.

[caption id="attachment_18" align="aligncenter" width="300" caption="Hot Chocolate at Pandesal with Ham and Egg"][/caption]

Hindi lang pala masarap na meryenda ang dinayo naming mag-asawa sa Quiapo. Habang naglalakad kami pabalik ng tren, binili namin si Rio ng mga sando. Apat na sando, sandaang piso! Iisa-isahin talaga namin ang kahabaan ng Carriedo para sa sando collection ni Rio.

Enjoy si Rio sa Spongebob Sando from Quiapo

Ala- 5:30 pa lang at nakabalik na kami ng bahay. Mahimbing pa rin ang tulog ni Rio. Sakto lang si Cinderella. Nakapagbihis na ako ng aking breastfeeding outfit at handa na ulit para sa breastfeeding session naming mag-ina.

Pahabol  na Rio Pix :

[caption id="attachment_20" align="aligncenter" width="200" caption="Bukod sa Quiapo sando collection niya, enjoy na enjoy din si Rio sa mga sando niya from Ate O!"][/caption]

4 comments

Write comments
garetski
AUTHOR
August 1, 2011 at 4:27 AM delete

miss ko na ang pandesal Insan. :( nakakatuwa ang entry na ito.

Reply
avatar
nanaystrip
AUTHOR
August 1, 2011 at 7:57 AM delete

@garetski ang mahal na ng pandesal ngayon, P2.00! Naabutan ko pa noong may tindahan kami
P0.25 lang ang isa ng pandesal,hehe. Salamat sa pagdaan at masaya akong natuwa ka sa post na ito.

Reply
avatar
chezkasinas
AUTHOR
November 27, 2011 at 7:02 PM delete

Ang sarap naman nun. >.<

Reply
avatar
mamanixian
AUTHOR
December 4, 2014 at 4:56 AM delete

Ang cute! At natakam naman po ako bigla sa pandesal at hot chocolate ng Alaska Soda Fountain.. Saan po ba yan sa Quiapo.

Reply
avatar